ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo

Sagot :

Ang natatanging katangiang taglay ni Quasimodo ay ang pagiging pinakapangit na nilalang sa Paris, isa siyang kaawa-awang kuba na kinupkop ng isang pari. Sa sobrang kapangitan ni Quasimodo ay itinanghal siyang "Papa ng Kahangalan", isinali sa parada upang kutyain at pagtawanan ng lahat ng tao. Sa kabila ng kapangitang taglay mayroon din namang kabutihan si Quasimodo, Inako niya ang ginawang kasalanan ng taong kumupkop sa kanya dahil sa matinding utang na loob.  

Namatay si Quasimodo sa libingan ng kaniyang minamahal dahil sa pagkagutom, bunga ng hindi pagkain dahil siya sa sobrang kalungkutan sa pagkawala ng pinakmamahal niyang babae.

Mga tauhan sa Kuwentong "Ang Kuba ng Notre Dame":

  • Quasimodo- isang napakapangit na kuba
  • La Esmeralda- isang napakagandang mananayaw
  • Pierre Gringoire - isang pilosopo
  • Claude Frollo - Paring kumupkop kay Quasimodo, siya din ay nagnanasa kay La Esmeralda
  • Phoebus - kapitan ng mga kawal  

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Mga tauhan sa Kuwentong "Ang Kuba ng Notre Dame" tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/205055

Layunin ng may-akda sa pagsulat ng ang "Kuba ng Notre Dame":

Ang layunin ng may akda nang ang "Kuba ng Notre Dame" na si Victor Hugo ay naglalayong ipahayag o ipakita ang kalagayan ng lipunan ng isa sa mga lugar sa Paris.

  1. Makikita sa kuwento ang pagiging mapanghusga ng lipunan.
  2. Makikita sa kuwento ang pagiging  mapang-api ng lipunan sa mga taong hindi nakapasa sa kanilang sinasabing dapat at tama katulad ni Quasimodo.  
  3. Makikita sa kuwento na kahit ang mga taong akala natin banal katulad ng pari ay mananatiling tao pa rin at nagnanasa sa mga makamundong kaligayahan at lalo pang nagkakasala.  
  4. Makikita sa kuwento ang iba't-ibang mukha ng buhay at pagkatao na ginagampanan ng bawat tauhan.  

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Layunin ng may-akda sa pagsulat ng ang Kuba ng Notre Dame tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/205703

Tagpuan sa kwento ng "Kuba ng Notre Dame":

Ang tagpuan ng kuwento ay  sa katedral ng Notre Dame. Nagsimula dito ang kwento kung kailan nagdiwang ang mga tao sa pagkahirang ni Quasimodo bilang "papa ng kahangalan." Ang iba pang pangyayari ay umiikot lamang sa Katedral. Ang pamagat ng nobela ay nangangahulugang "Katedral ng Paris".

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Tagpuan sa kwento ng Kuba at Notre Dame tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/208611

Ang mga katangian na taglay ni Quasimodo

  • Si Quasimodo ay isang pinakapangit na kuba.
  • Si Quasimodo ay may taglay din na katangian na masipag at mabait.
  • Si Quasimodo ay may ugaling marunong tumanaw ng utang na loob, makikita ito ng akuin niya ang kasalanan na nagawa ng taong kumupkop sa kaniya.
  • Tinagurian siyang “Papa ng Kahangalan” dahil sa sobra niyang kapangitan.

Si Quasimodo ay tauhan sa kwento ng Ang Kuba ng Notre Dame na isinulat ni Victor Marie Hugo na isang Pranses at nobelista tinagurian siyang isa sa pinakamahusay na manunulat sa kanilang bansa. Ang nobelang Ang kuba ng Notre Dame ay tungkol sa isang kuba na laging nakakaranas ng pang aapi at pangungutya dahil sa kanyang labis na kapangitan.

Ang mga tauhan sa Ang Kuba ng Notre Dame: At ang kanilang naging wakas sa nobela.

  1. Quasimodo- ang pinakapangit na kuba,siya ay biglang naglaho at sinasabing namatay din dahil natagpuan ang kanyang kalansay na kuba na nakayakap sa isa pang kalansay na walang iba kundi  si La Esmeralda.
  2. Claude Frollo- siya ay namatay sapagkat inihulog siya ni Quasimodo sa isang tore dahil sa labis na poot sa pagkawala ni La Esmeralda.
  3. La Esmeralda- siya ang natagpuang nakabitay,dahil mas minarapat pa niya na siya ay mabitay kesa mapunta kay Frollo.
  4. Phoebus- siya naman ang tinalikuran o iniwan ni La Esmeralda ng siya ay bibitayin na, maaring ito ay nagpakasal na sa babaeng sinasabi nito na kanyang pakakasalan.

Buksan para sa karagdagang kaalaman:

Buod ng ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/200729

Suring basa ng ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/423643

Tagpuan sa nobelang ang kuba ng notre dame https://brainly.ph/question/456996