Answer:
Ang WIKANG PANTURO ang gingamit na wika sa pormal na edukasyon.
Wikang Panturo
Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan.
Ito rin ang opisyal na wikang ginagamit sa pag-aaral sa mga eskuwelahan.
Ito rin ang opisyal na wikang ginagamit sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Ang wikang Filipino at Ingles ang ginagamit sa pangkalahatan na wikang panturo sa mga paaralan.
Ang unang wika naman ng bata o ang kanilang mother tongue ang opisyal na wikang gagamitin mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ito ay batay sa loob ng K-12 Curriculum na tinawag na MotherTongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).