2. Bigyan ng katuturan ang konseptong pangwika at ibigay ang opinyon/reaksiyon:
Monolingguwalismo -
Bilingguwalismo -
Multilingguwalismo-​


Sagot :

Answer:

Monolingguwalismo- Ang taong kayang magsalita at nakakaunawa ng iisang wika lamang

Opinyon

Karaniwan na kakayahan na ito sa tao sa kanyang pagsilang na ang wika na natututunan niya sa kanyang tahanan ang kanyang unang wika.

Bilingguwalismo- Ang taong kayang magsalita at nakakaunawa ng dalawang wika.

Opinyon

Kadalasan nagiging bilinggwal ang isang tao kapag nakakalabas na rin siya ng kanyang tahanan at nakikihalubilo na sa ibang tao. Natututunan na rin niya ang wikang inaaaral sa paaralan o wika ng ibang rehiyon.

Multilinggwalismo- Ang taong kayang magsalita at nakakaunawa ng higit sa dalawang wika.

Opinyon

Sa bansang Pilipinas, bagaman at likas na multilinggwal ang bansa ang mga tao rito sa kanilang pakikipamuhay sa ibang komunidad. Tulad ng isang Pilipino na nasa Zamboanga na nagtungo sa Cebu o Metro Manila upang magtrabaho, ay natutunan na niya ang wika ng lugar na iyon upang makipag-ugnayan.

Lalo na rin sa mga OFW, nagiging multilinggwal sila dahil maliban sa kanilang unang wika, wikang natutunan sa paaralan at iba pang wikang rehiyunal o wikang Filipino na kaalaman ay natutunan din nila ang wika ng bansa kung saan sila nagtatrabaho.