Pagyamanin Malayang Gawain 1 Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng may salungguhit na parirala sa loob ng pangungusap at ikahon ito. 1. Sa murang edad ni Ella, namulat na siya sa kahalagahan ng pangarap at nadala niya ito hanggang sa pagtanda. 2. Inilaan niya ang kaniyang oras sa pag-aaral nang mabuti kaysa pag-aaksaya nito sa gawaing walang kabuluhan. 3. Lalo siyang nagsumikap upang maging maginhawa ang kanilang buhay mula sa hirap na dinanas. 4. Nagkamalay at lumaki rin siya sa mga pagsisikap ng kaniyang magulang mula sa noong siya ay maliit pa. 5. Laging sambit ni Ella ang pangarap niya sa pamilya habang walang imik nakikinig lamang sa kaniyang ina.