5. Paano nakatulong ang paglalaro sa ating katawan?​

Sagot :

Answer:

Tira, sipa, shoot, warm-up, ensayo, ito ang mga salitang kadalasan nating naririnig sa larangan ng isports. Ngunit tayo ba ay may kaalaman sa mga magandang naidudulot ng isports sa ating katawan?

Ayon sa iba’t-ibang pananaliksik marami ang naitutulong ng isports sa ating katawan, hindi lamang sa ating katawan kundi maging sa ating paraan ng pag iisip. Ito ay ang mga sumusunod;

Pagpapalakas ng resistensya upang makaiwas sa sakit. Naiiwasan ang iba’t- ibang sakit katulad ng kanser, osteoporosis, pagtaas ng prisyon, depresyon at diabetes

Mental benefits. Kapag malusog ang katawan, malusog din ang kaisipan. Nakakatulong ang isports sa kaisapang pang mental dahil mabilis na nakakaisip ng solusyon ang isang manlalaro sa paglalaro at ang mabilis na pag iisip na ito ay nagagamit sa iba’t – ibang aspeto ng kanilang buhay gaya sa pagsagot ng mga sitwasyunal na mga tanong.

Pagkakaroon ng lakas ng loob at pakikisalamuha. Nadaragdagan ang lakas ng loob ng manlalaro habang siya ay naglalaro sa harap ng mga manonood, lalo na kung marami ang mga pumapalakpak at sumisigaw para sa kanya. Gayunsin maraming mga tao ang kanyang nakikilala at nakakasalamuha.

Nagtatanggal o binabawasan ang stress. Ang paglalaro ng iyong paboritong isports ay isa ring paraan ng pampatanggal o pagbabawas ng stress sa katawan. Tinuturuan ang mga tao na maging kalmado at maging payapa. Ang mga taong aktibo sa isports ay ang mga taong magaling humawak ng problema.

Nagbibigay ng saya. Ang isports ay mas nagbibigay ng saya kumpara sa pag wowork-out. Marami ang mga tao ang sumasaya habang nilalaro ang kanilang mga paboritong isports. (http://benefitof.net/benefits-of-sports/)

Ilan lamang iyan sa mga mabuting naidudulot ng isports sa ating katawan. Ngayon, handa kanabang sumipa, lumukso, mag shoot at mag ensayo?