Gawain 1 Basahin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip. A. pang-uri C. pandiwa B. Panghalip D. pang-abay 2. Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan? A. Akin C. tayo B. Kayo D. sila 3. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw? A. Ito ang dalang bag ni Mike. C. Ang iba ay umalis na kahapon. B. Sino ang kumain ng tsokolate? D. Kunin mo na ang mga aklat 4. Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri? A. ito, ganyan, hayan, at doon C. kami, tayo, akin, at iba B. madla, pawang, ilan at sinoman D. iyo, ako, mo at saan 5. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan ng iyong kaibigan? A. Ano C. Magkano B. Saan D. Kailan 6. (Kailanan ng Panghalip Panao) Piliin ang kailanan ng mga panghalip na may panaklong Malinis na ang (ating) bahay. A. Isahan C. Dalawahan B. Maramihan D. Tatlohan 7. Anong panghalip ang maaring ihalili sa mga may panaklong na pangngalan? Piliin ang tamang sagot. (Ang mga mag-aaral) ay nagpaplano. A. Kami C. nila B. Kayo D. Sila