ano ang dictionaryo kahulugan ng kaagapay​

Sagot :

Answer:

kalinga s abawat araw

Explanation:

kaagapay

Answer:

Kahulugan ng Kaagapay

Ang kaagapay ay may salitang ugat na agapay. Ang kahulugan nito'y tumutukoy sa tao na katulong o katuwang natin sa paggawa ng mga bagay-bagay sa buhay. Ito ang tao na umaalalay satin at hindi tayo iniiwan. Ito'y madalas na nasa tabi natin gaano man kahirap. Ito ang mga tao na malapit satin gaya ng pamilya.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang kaagapay sa ilang pangungusap para mas maintindihan ito. Narito ang mga halimbawa:

Si kuya ang naging kaagapay ni nanay sa pagtatrabaho mula nang mawala si tatay.

Huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay. Tandaan mo na andito kaming mga kaibigan mo, kaagapay mo.

Tumatanda ka na. Kailangan mo na ng kaagapay sa buhay.

Isang tungkod ang naging kaagapay ni tatay sa araw-araw mula nang siya ay maaksidente.

Explanation: