a. C. IATIVE TEST (LAS 1 & 2) ARALING PANLIPUNAN 9 I-PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel. 1. Makaagham na pag-aaral ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan. a. Kasaysayan b. Sosyolohiya c. Ekonomiks d. Kimika 2. Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. a. Opportunity cost b. incentive c. marginal thinking d. trade- off 3. Tumutukoy sa pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. A. Opportunity cost b. incentive c. marginal thinking d. trade-off 4. Ito ay halimbawa ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming kapakinabangan sa bawat pagkonsumo. a. Opportunity cost b. incentive c. marginal thinking d. trade-off 5. Ito ay ang pagsusuri ng isang indibidwal ng karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o kapakinabangan na makukuha sa gagawing desisyon. a. Opportunity Cost b. incentive c. marginal thinking d. trade-off 6. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon? isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon b. isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon d. isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon 7. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost? a. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao b. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer c. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo d. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan 8. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa wastong paggamit ng limitadong yaman upang tugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Hinango ito sa salitang Griyego "oikonomia"nangangahulugang a. Pamamahala ng negosyo c. Pamamahala ng bansa b. Pamamahala ng tahanan d. Pamamahala ng Yaman 9. Ang kakapusan o scarcity sa mga pinagkukunang yaman ay suliranin hindi lang ng mahihirap kundi maging ng mauunlad na bansa. Ano ang dahilan at nagkakaroon ng kakapusan? a. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng tao sa mga pinagkukunang yaman b. Dahil sa mga natural na kalamidad tulad ng bagyo na pumipinsala sa mga pinagkukunang yaman c. Dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao d. Dahil sa mga mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang supply upang tumaas ang presyo ng mga yamang ito 10. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao? a. limitado b. dumadami c. walang saysay d. walang katapusan 11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng desisyon? a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa ng desisyon