Kasabay ng modernasyon ay kinakaharap din ng pamilya ang iba't ibang uri ng pagbabago. Dahil sa modernasyon kung saan kalat na kalat at usong-uso ang iba't ibang uri ng "gadgets", napi-presyur ang mga magulang na ibigay ang mga hinihiling ng kanilang mga anak lalo na kapag kailangan sa pag-aaral tulad ng laptop at kompyuter. Dahil dito, kung kaya't nagkakaroon ng pagbabago sa pamamalakad pinansiyal sa tahanan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Kasabay din nito ay ang hindi na madalas na pag-uusap ng mga miyembro ng pamilya sapagkat lahat ay abalang-abala na sa mga "gadgets" at hindi na nila naisip na maglaan ng panahon sa ibang bagay malipan sa pagtitipa sa kompyuter o sa kanilang mga cellphones.