Bakit sinasabing ang kasaysayan ng mesopotamia ay"pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan

Sagot :

Sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay ang "pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan sapagkat ayon sa mga nakalap na impormasyon ng mga arkeologo sa Mesopotamia nagsimula ang sinaunang kabihasnan. Nagsimula ito noong manirahan ang mga Sumerian, Akkadian, Assyrian, Babylonia at Chaldean sa Mesopotamia. Sa loob ng mahabang panahon ay unti-unting umuunlad ang kabihasnan sa Mesopotamia ngunit bigla din itong bumagsak noong sakupin ng Imperyo ng Persia ang Babylonia at maging bahagi ng mas malaking imperyo. Unti-unting napapalitan ang mga kultura at paniniwala ng mga Babylonian ng mga kultura mula sa Persia at tuluyan nga itong nawala ng sakupin umusbong ang sibilisasyon sa Griyego at sakupin ang Persia.