Sagot :
Ang ibig sabihin ng magkibit balikat ay pagsasawalang bahala ibig sabihin walang pakialam. Ang hugis kandila naman ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang mga daliring pangmayaman na kung tawagin ay kahugis ng kandila. Ang ibig sabihin naman ng hawak sa batok ay kontrolado, ibig sabihin lahat ng sasabihin ko ay susundin ng sinumang hawak ko sa batok. Ang lumilipad ang isip ay nangangahulugang malayo o may malalim na iniisip , ang isip ay wala sa kasalukuyang kaganapan o mayroong ibang pinagkakaabalahang isipin. Ang patay na patay ay nangangahulugang gustung-gusto o sobra ang pagkakagusto sa isang tao. Ang madulas na dila ay nangangahulugang matabil o madaldal. Ang sumasayaw sa tugtog ay nangangahulugang nakikisabay o nakikisama sa kung anuman ang nangyayari. Ang pagputi ng uway ay nangangahulugang hindi kailanman man mangyayari sapagkat hindi kailanman puputi ang uwak. Ang ibig sabihin ng makati ang talampakan ay gustong gumala o maglakwatsa o lakwatsero. Ang tubong lugaw ay nangangahulugang malaki ang tubo mula sa maliit na puhunan.