ano ang kahulugan ng planetang daigdig, mantle, plate, paligid sa araw, longitude at latitude..



Sagot :

Ang planetang daigdig ay binubuo ng crust (ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito). Umaabot ang kapal ng crust mula 30-65km palalim sa mga kontinente habang sa mga karagatan naman ay may kapal lamang na 5-7km.

Ang mantle ay nasa ilalim ng crust. Ito ay ang isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng mga iron at nickel.

Ang mga plate o mga malaking masa ng solidong bato ay hindi nananatili sa mga posisyon nito. Ang mga plate ay gumagalaw ng tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga ito ay napakabagalay - 5cm/yr o 2in/yr.

Ang Paligid sa Araw:


Ang paligid sa araw ay ang sistemang tumutukoy sa kinaroroonan ng mga planeta at paglalakbay ng mga ito.

a. Kinaroroonan ng Daigdig – Ang daigdig ay may layong 149637000km mula sa araw.  Ang daigdig ang panglimang pinakamalaking planeta at pangatlo mula sa araw.

b. Paglalakbay ng Daigdig - Ang daigdig ay isa sa siyam na planeta na naglalakbay sa paligid ng araw. Ito ay may tatlong mosyon o galaw: Rotasyon, Rebolusyon at Sumusulong sa Landas ng Milky Way.

Ang longhitud ay ang mga pababang linya sa mapa o globo. Ang longhitud ang nagbibigay ng direksyon sa silangan o sa kanluran. Ang mga linyang ito ay ginagamit pangtukoy ng oras sa bawat bahagi ng mundo. Ang bawat longhitud na isang digri ang layo ay may 111.32km na distansya at sa mga polo nagtatagpo ang mga meridian. Bawat digri ng nito ay nahahati sa 60min.

Ang latitude naman ay ang mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay ng mga lokasyong hilaga at timog ng ekwador.  Ito rin ang ginagamit pantukoy ng klima sa mga bahagi ng mundo. 
View image Ncz