Iba pang kahulugan ng pangimbuluhan


Sagot :

Ang iba pang kahulugan ng pangimbuluhan ay pagkaingitan, ito ay may salitang ugat na pangimbulo na nangangahulugan ng inggit,hili,selos sa salitang Ingles ay envy,jealousy.

Halimbawa nito sa pangungusap

  1. Ang taglay na kagandahan ni Elsa ay labis na hinahangaan ng mga kalalakihan,ngunit pangimbuluhan naman ng ibang kababaihan.
  2. Ang pagkapanalo ng jackpot sa lotto ni Mang Jose ang dahilan ng bigla niyang pagyaman,pero siya ay pangimbuluhan ng kanyang mga kababayan.
  3. Malaki ang bahay na pinatayo ni Jean sa kanilang bayan dahilan para pangimbuluhan ng kanyang mga kapitbahay.
  4. Isang mayamang lalaki ang napangasawa ni Maria dahilan para pangimbuluhan ng kanyang mga kaibigan.

Ang inggit,selos, madalas nating nararamdaman kung meron tayong mga bagay na gustong makuha na meron ang ibang tao, hindi kanaisnais na pag uugali na alam nating masamang taglayin ng isang tao. Ngunit kung minsan ay hindi natin maiwasang maramdaman. Lalo na kung marami ang kulang sa atin na sa iba naman ay sobra sobra.  

Mga dapat nating gawin upang hindi tayo mainggit sa iba.

  • Maging kontento kung ano ang meron tayo.
  • Magsumikap sa buhay
  • Huwag maliitin ang sarili
  • Magkaroon ng tiwala sa sarili

Buksan para sa karagdagang kaalaman sa mga talasalitaan

https://brainly.ph/question/547494

https://brainly.ph/question/1530697

https://brainly.ph/question/2091937