Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig. Sa paglipas ng Sumer, tatlong imperyo ang lumitaw rito: Akkadia, Babylonia at Assyria. Nagtatag ng isang imperyo ang mga Persian na sumakop sa Kanlurang Asya at iba pang karatig -lugar. Napasama sa daloy ng kasaysayan ng mga kanluraning bansa ang rehiyon ng Kanlurang Asya nang mapasakamay ito ng mga Macedonian Greek at Roman.