Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?



Sagot :

Ang yugto ng mga panahong ito kasi ay ang pinakamabilis matuto ang isang tao kung kaya ay dapat na malinang ang mga inaasahang kakayahan, kilos pati na ang mga kasanayang dapat taglayin ng isa bago siya pumasok sa pagkakaroon ng sariling pamilya.  Kapag nalinang ang mga kakayahang dapat taglayin bago maging ganap na adulto, magiging responsableng mamamayan ito, o mahusay na ama o ina sa loob ng tahanan.

Sa kabaligtaran, kapag hindi nalinang ang mga kakayahan at mga pagkilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, mahihirapan siyang harapin ang masalimuot na buhay, magiging pabaya o iresponsable pa nga sa mga tungkulin.  Hindi rin kayang panindigan ang mga pananagutang dapat taglayin ng isang miyembro sa lipunan.

Kaya mahalaga rin na sa kritikal na panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay may marunong, mahusay at mapagkakatiwalaang tagapagsanay upang turuan ito sa mga praktikal na gawain at tamang pagkilos.