Sagot :
Ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng ulat sa kalagayan ng panahon ay PAGASA. Ang ibig sabihin nito'y Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Ito ang naghahatid ng kaalaman kung mabuti o masama ang panahon at may papasok na bagyo sa bansa. Iniuulat din nito ang lakas ng hangin, ulan at galaw ng bagyo.
Mga Ahensiya ng Pamahalaan
Marming ahensiya ang pamahalaan na nagtutulungan para sa kaligtasan ng mamamayan. Bawat ahensiya ay may tungkuling ginagampanan upang mapabuti ang kalagayan ng bawat isa. Narito ang iba pang ahensiya ng pamahalaan:
- PHIVOLCS - Ang ibig sabihin nito ay Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay kaalaman tungkol sa pagkilos ng lindol, tsunami at bulkan. Ngunit hindi ito nakapagbibigay ng prediksyon tungkol sa mga papadating na lindol.
- DSWD - Ang ibig sabihin nito ay Department of Social Welfare and Drvelopment. Ito ang namamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan. Nangunguna ito sa pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad.
- DOLE - Ang ibig sabihin nito ay Department of Labor and Employment. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na bumubuo ng patakaran at programa ng pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo.
Iba pang ahensiya ng pamahalaan:
https://brainly.ph/question/14572693
#LearnWithBrainly