ano ang mural painting, ang gamit noong unang panahon at katangian nito?

Sagot :

              Ang Catal Huyuk ay isa sa mga pinakalumang sinaunang pamayanang urban na kailanman natagpuan at nagbibigay ng walang kasinghalaga na mga pahiwatig sa mga pinagmulan ng sinaunang kabihasnan.
Tinatayang may  6,000 na populasyon sa  Catal Huyuk.  Ang mga bahay ay gawa sa putik ladrilyo. Sila ay mahilig din sa likhang sining. Isa na rito ang mural painting.

           Ang mural painting ay nagsisilbing rekord ng mga naging tunggalian at pakikipaglaban ng mga sinaunang tao sa mga hayop upang manatili sa iisang lugar at maging sa kabuhayan nila.  Kadalasan sa mga ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng mga hayop. Ang mga hayop na nasa mga painting ay baka, kabayo, usa, baboy-ramo.