Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?  
a. dula   
b. tula   
c. sanaysay  
d. maikling kuwento   


Sagot :

Sanaysay:

Sagot:

C. Sanaysay

Paliwanag:

Ang sanaysay ay tumutukoy sa akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagsasalaysay na minsan ay naglalayong magdulot ng pagbabago at libangin ang mga mambabasa. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang tuwirang pananalita ng may akda o sumulat nito ukol sa kanyang kuro kuro at damdamin.

Kahulugan ng sanaysay: https://brainly.ph/question/138575

Tatlong Mahahalagang Bahagi ng Sanaysay:

  1. panimula
  2. katawan o gitna  
  3. wakas

Ang panimula ay ang bahagi ng sanaysay na naglalahad ng pangunahing kaisipan o opinyon ng may akda at nagbibigay diin sa kahalagahan ng sanaysay.

Ang katawan o gitna ang bahagi ng sanaysay na nagdaragdag kaalaman sa paksa na nagsisilbing patunay o suporta sa pinaka mensahe ng sanaysay.

Ang wakas ang bahagi ng sanaysay na naglalahad ng kabuuan nito.

Mga bahagi ng sanaysay: https://brainly.ph/question/167003

Mga Elemento ng Sanaysay:

  • anyo at istruktura
  • kaisipan
  • damdamin  
  • himig
  • larawan ng buhay
  • tema
  • wika at istilo

Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay tumutukoy sa pagkakasunod sunod ng mga ideya o pangyayari upang higit na maunawaan ng mambabasa ang sanaysay.  

Ang kaisipan ng sanaysay ay tumutukoy sa mga ideyang nabanggit na nagbibigay linaw at suporta sa tema.

Ang damdamin ng sanaysay ay tumutukoy sa paraan ng pagpapahayag na ginamit ng may – akda upang maipalabas ang damdamin na nais niyang maramdaman ng mga mambabasa.

Ang himig ng sanaysay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng kalikasan o kulay ng damdamin na maaaring masaya, malungkot, may takot, nananabik, at iba pa.

Ang larawan ng buhay ng sanaysay ay tumutukoy sa makatotohanang pagsasalaysay at masining na paglalahad ng may akda.

Ang tema ng sanaysay ay tumutukoy sa paksa o mensahe nito.

Ang wika at istilo ng sanaysay ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginamit ng may akda upang maipalabas ang katapatan nito.

Mga Halimbawa:

  1. Ang Alegorya ng Yungib ni: Plato
  2. Liwanag at Dilim ni: Emilio Jacinto

Mga halimbawa ng sanaysay: https://brainly.ph/question/135418