Sagot :
Answer:
Digri
Ang salitang ito ay marming kahulugan depende sa pagagamitan na pangungusap.
Kahulugan:
Digri:
- Antas ng pinagaralan, o titulo
- Panukat ng temperatura
- Ay isang pagsukat ng anggulo, tinutukoy nito na ang isang buong pag-ikot ay 360°
- Sa matematika ito ay isang panukat kung ano ang antas ng isang polynomial
- Lebel ng kahalagahan ng isang bagay o kaganapan.
- Panukat ng lokasyon mula sa ekwador kung nagsisimula ang 0°.
Maari itong gamitin sa mga sumusunod na pangungusap:
- Ang pagiging isang inhinyeryo ay isang prestisyosong digri, ngunit hndi madaling makamit ang titulong ito dahil kailangan ng dedikasyon at determinasyon upang matapos ang pagaaral bilang isang inhinyero.
- Ang digri na maituturing na nilalagnat ay 38°.
- Ang isang bilog ay mayroong 360 digri.
- Para masabi na ang isang ekspresyon sa matematika ay "quadratic" dapat ang isa sa mga parte ng ekspresyon ay nakataas sa pangalawang digri.
- Mataas and digri ng nangyayaring kaguluhan sa bansa bunsod ng pagtaas ng dami ng nagkakasakit dahil sa CoVid-19.
- Ang lokasyon ng Pilipinas mula sa ekwador ay latitud 13° 00 N at Longitud 122° 00 E.
° = simbulo ng digri
Para sa karagdagang kaalaman sa salitang Digri, maaring bisitahin ang sumusunod na link:
https://brainly.ph/question/116843
_
#BetterWithBrainly