anu ano ang kahulugan ng bawat kulay


Sagot :

Ano ano ang Kahulugan ng Bawat Kulay?

Ang mga kulay ay may iba't ibang kahulugan sa bawat isa sa atin. Mayroon din itong iba't ibang kahulugan sa bawat relihiyon at kultura sa bawat parte ng ating mundo. brainly.ph/question/219820

Pula o Red

Ang pula ay kulay ng 'passion' at enerhiya. Ang pula ay nakakakuha ng pansin at nagpapakita ng lakas at enerhiya na nag-uudyok ng pagkilos. Naiuugnay din ito sa sekswalidad at pinasisigla ang isang malalim na damdamin. Ang pula ay ginagamit upang magbigay ng babala o hudyat na mag-ingat sa panganib.

Kahel  o Orange

Ang orange ay kulay ng sigasig at emosyon. Ang orange ay nagpapalabas ng init at kagalakan at itinuturing na isang nakakatuwang kulay sapagkat nagbibigay ito ng mabigat na emosyon. Ito rin ay nakapagpapasigla at nagdaragdag ng positibong pananaw sa buhay. Hinihikayat nito ang pagiging pagkamalikhain. Ang orange ay sumisimbolo sa kaibahan at masiglang kulay.

Dilaw o Yellow

Ang dilaw ay kulay ng kaligayahan at maaliwalas. Ang dilaw ay isang masiglang kulay na nagdudulot ng kagalakan sa mundo. Ginagawa nitong madali ang pag-aaral dahil nakakaapekto ito sa lohikal na bahagi ng utak, pinasisigla ang mentalidad at pang-unawa. Pinasisigla din nito ang pag-iisip at pag-uusisa at pinalalaki ang kumpiyansa.

Berde o Green

Ang berde ay kulay ng pagkakaisa at kalusugan. Ang berde ay isang nakakarelaks na kulay at nagpapasigla sa ating katawan at isipan. Ito ay nagbabalanse sa ating mga emosyon at nagbibigay babala ng kaligtasan. Nagbibigay din ito sa atin ng pag-asa, paglago, at kasaganahan.  

Asul o Blue

Ang asul ay kulay ng tiwala at katapatan. Ang asul ay sumisimbolo ng katahimikan, kapayapaan at kaligtasan. Nagpapahiwatig ito ng pagiging kalmado at naiuugnay ito sa karagatan na nagbibigay ng kapahingahan ng diwa o isip.

Lila o Violet

Ang lila ay kulay ng spiritwalidad at imahinasyon. Ang kulay na ito ay nagpapaliwanag sa atin ng karunungan at hinihikayat ang paglago ng ating espirituwal na pananaw. Ito ay madalas na nauugnay sa kaharian at karangyaan. Hinihimok ng kulay na ito ang isip, katawan, at kaluluwa upang mabuhay nang maayos.

Kayumanggi o Brown

Ang kulay brown ay ang kulay ng lupa, kahoy, at bahay. Ito ay sumisimbolo sa isang saligan, pundasyon, katatagan, at katapatan. Ang brown ay isang natural o neutral na kulay na karaniwang nauugnay sa mga panahon ng taglagas.

Itim o Black

Ang kulay itim ay kulay ng pagiging sopistikado at misteryo. Ang itim ay karaniwang nakakatakot na kulay kadalasang naiuugnay sa kababalaghan. Ito ang pumupukaw ng ating mga pandama at nangangahulugan ng pagiging elegante at kagandahan.

Puti o White

Ang kulay puti ay kadalisayan at kalinisan. Ang puti ay isang tunay na balanse ng lahat ng mga kulay at nauugnay sa pagiging simple at pagiging perpekto. Nagbibigay rin ito ng pag-asa at kaaliwasan sa ating isipan.  

Mga links para sa keyword na kulay:

Halimbawa ng katutubong kulay: brainly.ph/question/137553

Kulay ng Rainbow: brainly.ph/question/1440876