Ano ang Dulang Panlansangan?
Ano-ano ang uri ng Dulang Panlansangan?
Magbigay ng halimbawa ng bawat uri ng dulang panlansangan?


Sagot :

Answer:

Ano ang Dulang Panlansangan?

Ano-ano ang uri ng Dulang Panlansangan?

Magbigay ng halimbawa ng bawat uri ng dulang panlansangan?

Ang mga Pilipino ay likas na matatalino dahil makikita ito sa kanilang mga  likha na ginamit bilang isa sa kanilang tradisyon at kultura. Isa na rito ay ang dula na kilala bilang isang uri ng panitikan. Ang dula ay tinantanghal sa entablado  na naglalarawan sa isang buhay at ito ay ginaganap sa entablado.

ANO ANG DULANG LANSANGAN?

• Ang dulang panlansangan ay isa sa uri ng dula na kung ating mapapansin mayroong salitang lansangan. Ibig sabihin ang dula ay ginaganap sa lansangan.

 MGA URI NG DULANG PANLANSANGAN

1. Panunuluyan- Ito ay ang pag-balik tanaw sa buhay ni Hesus noong manganak si Maria sa bayan ng Betlehem ngunit wala silang matuluyan dahil puno na ang mga tahanan doon kaya minabuti ng mag-asawa na Jose at Maria na tumuloy na lamang sa isang sabsaban at doon ipinanganak si Jesus na siyang tagapagligtas ng sanlibutan. Ang dula ay ginaganap uwing besperas ng pasko.

• Halimbawa: Sa tuwing bisperas ng pasko o kaya sa araw ng pasko at isinasadula ang kapanganakan ni Hesus hanggang sa tatlong hari.

2. Salubong-  Ito ay ginaganap sa araw ng lingo ng pagkabuhay. Nagpoprosisyon ang mga tao sa madaling araw at kanilang dinudula ang araw lingo ng pagkabuhay ni Hesukristo.

• Halimbawa: Ang salubong ay ginaganap tuwing lingo ng pagkabuhay na kung saan isinasadula ang nangyari sa buhay ni Hesus

3. Tibag- Ito  din ay isang dula na kung saan hinahanap ng mga tauhan ng dula ang krus na pinagpakuan kay kristo.

  • Halimbawa: Isinasadula tuwing biyernes santo na isinasadula ng mga tao ang paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesukristo.

4. Senaku- Ito ay ginagawa tuwing biyernes santo na kung saan ay isinasadula ang mga

pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago siya namatay at pagkaraang ipako siya sa krus.

  • Halimbawa:  Isinasadula ang mga pangyayari na dinanas ni Hesus hanggang sa kanyang pagkamatay sa krus.

Para sa iba pang kaalaman ukol sa dulang panslansangan buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/419743

brainly.ph/question/396078

brainly.ph/question/2287766