Sagot :
Bakit Mahalaga ang Kasaysayan sa ating Buhay?
Mahalaga ang kasaysayan dahil sa tulong nito nauunawaan natin ang ating nakaraan na kung saan nagbibigay-daan upang maunawaan ang ating kasalukuyan. Kung pag-aralan natin ang mga tagumpay at kabiguan ng nakaraan, maaari tayong matuto mula sa ating mga pagkakamali at maiiwasan ang pag-ulit nito sa hinaharap. Ang kasaysayan ay nakapagbibigay ng pananaw sa mga kultura na pinagmulan pati na rin sa mga kultura na maaaring hindi tayo pamilyar. Nakatutulong ito sa pagtaas ng kamalayan at pag-unawa sa 'cross-cultural' o iba't ibang kultura.
Kahalagahan ng Kasaysayan
- Nauunawaan ang lipunan - ang mga kaganapan at mga tao na humubog sa kung sino tayo ngayon ay napakahalaga.
- Nauunawaan ang pagbabago - ang kasaysayan ay nakapagsasabi kung ano ang mga sanhi ng pagbabago.
- Nakapagbibigay ng pagkakakilanlan - ang pag-alam sa kasaysayan ng iyong pamilya ay mahalaga.
- Pinapanatili ang mga kuwento ng nakaraan - kailangan nating marinig ang kanilang mga kwento upang panatilihin ang mga ito at ipasa ito sa mga susunod na henerasyon.
- Nakapagbibigay ng ispirasyon - ang pag-aral sa mga kwento ng mga taong nauna sa atin ay maaaring magbigay ng inspirasyon upang kumilos sa ating sariling buhay.
- Tinutulungan tayong maging mas mabuting tao - nakapagbibigay ito mas malinaw na kaunawaan sa mundo at kung bakit naging ganito ang mundo ngayon.
#BetterWithBrainly
Bisitahin ang mga link para sa iba pang paksa:
Batayan ng kasaysayan? brainly.ph/question/94420
Kasaysayan tuklasin mahalin palaganapin: brainly.ph/question/1705439