Ano ang kahulugan ng salitang balintataw

Sagot :

Answer:

Ang salitang balintataw ay nangangahulugang alikmata o busilig na ibig sabihin sa wikang Ingles ay “pupil of the eye”. Ang iba pang mga katawagan nito ay inla o ninya, tao-tao, o pupilahe. Ito ay isang butas na nasa gitna ng iris ng mata na nagpapahintulot ng pagpasok ng liwanag sa retina. Malaking tulong ito sa mata sapagkat dito nakasalalay ang ating paningin.

Explanation:

Kulay itim ito sapagkat karamihan sa liwanag na pumapasok sa balintataw ay hinihigop ng mga tisyung nasa loob ng mata. Sa mga tao, ang balintataw ay bilog, subalit ang ibang mga espesye, katulad ng sa ilang mga pusa, ay may balintataw na hugis siwang. Napakahalaga ng mata sa ating buhay dahil dito nagkakaroon ng liwanag ang ating buong katawan.

Maliban sa liwanag na makikita natin, ano ang ibang tulong mula sa ating mga mata?

Ang kagamitan ng mata:

  • Ito’y tinatawag na bentana ng ating isip, sapagkat nagmumula sa mata ang lahat ng maaaring iimbak sa ating isip mula sa pagkabata hanggang sa paglaki, kung kaya’t nagiging matalino ang tao dahil sa nakikita ng mata at iniimbak sa isip.
  • Naging bentana din ito ng ating puso, sapagkat sa pamamagitan ng ating makikita ay kaagad natin itong sinasapuso lalo na sa mga taong sensitibo at emosyunal. Halimbawa nalang, kung nakakakita ng taong sumisigaw sayo at sinasapuso mo kaagad itoy nagdudulot ng masama sa pakiramdam dahil naging apektado ang iyong puso.
  • Lahat ng bagay dito sa mundo ay pwede mong pagmasdan lalo na sa mga magagandang tanawin ng kalikasan. Maaaring maaaliw ang iyong sarili sa pamamagitan ng iyong nakita. Ang mata ang siyang nagbibigay detalye sa bawat tanawin.
  • Napakalungkot din kung makikita natin ang di magandang pangyayari sa ating paligid,  dahil sa ating mata ay maaaring magdulot ito ng masama sa ating damdamin.  

Sa pamamagitan ng mata makakamtan ng tao ang magandang kinabukasan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bahagi ng mata na ngbibigay kulay, ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/1843641

Sa kalagayan naman ng mga bulag ay talagang napakahirap nito para sa kanila, dahil puro dilim nalang ang kanilang nakikita. Mabuti nalang at binigyan tayo ng Diyos na Jehova ng sentido komun at ito ay sa pamamagitan ng mahawakan ng ating kamay. Ang ginagamit ng mga bulag bilang mata ay ang kanilang mga kamay, dahil lahat ng hinahawakan nila ay kanila itong iniimbak sa isipan at yun ang naging basehan ng kanilang pagtatrabaho.

Mayroong limang uring pandama ang tao.  

Limang uring pandama ng tao (5 senses):

1. Sense of sight/seeing - paningin.  

2. Sense of touch - paghawak.  

3. Sense of hearing - pandinig.  

4. Sense of tatse - panlasa.  

5. Sense of smell - pang-amoy.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ang ibigsabihin ng pikit mata, ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/282596

Kahit napakahalaga ng limang uri na pandama ng tao, ngunit ang mata ay sentro ng liwanag sa buong parti ng katawan ng tao. Kaya napakahalagang alagaan ang mata upang ang liwanag ay di mawawala. Masamang pangyayari man,  o kabutihan,  o kagalakan ang mata ang siyang nakakasaksi sa lahat.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng pantay mata, ay maaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/293154