Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang akda mula sa Ehipto . Ito ay isang tula na malinaw na sumasalamin sa tradisyon at paniniwala ng mga taga Ehipto. Sa paunang tingin mistula itong simple at mababaw na tula tungkol sa pag-ibig ngunit may malalim na pakahulugan ang tula. Ipinapahayag ng tula ang kagustuhan ng mga taga-Ehipto ng isang simpleng pamumuhay sa kabila ng napakalaki at napakagandang ideya ng karangyaan. Ang kanilang pagpapahalaga sa pagiging simple ng buhay ay maliwanag na indikasyon sa kanilang mataas na pagkilala sa buhay ng bawat isa.