Dalawang haimbawa ng karanasan na nagpapakita ng kamangmangang madaraig:
1.
Lumapit sa iyo ang iyong nakababatang kapatid at
dumaing dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha nito
ang labis na paghihirap. Binuksan mo ang lalagyan niya ng gamot at iba’t ibang
gamot ang naroon. Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang gamot para sa sakit
ng kaniyang tiyan. Ano ang iyong gagawin? Kung pag-iisipang mabuti, hindi
nararapat napainumin ng gamot ang iyong kapatid dahil hindi ka tiyak sa kung
ano ang ipaiinom sa kaniya. Kung magpapadalos-dalos sa pasiya sa pagkakataong
ito, maaaring maging mapanganib ito sa iyong kapatid. Kung kaya hindi nararapat
ipainom ang gamot kung walang katiyakan.
2. Nasugatan ang kapatid mong babae sa kutsilyo. Malalim ang sugat nito at maraming dugo ang dumalay sa kanyang kamay. Gusto mo itong gamutin ngunit hindi mo alam kung paano siya bigyan ng pangunang lunas kung kayat tinawag mo ang inyong kapitbahay upang tulungan kang dalhin ang bata sa hospital o di naman kaya'y sa malapit na pampublikong pagamutan.