ano ang kalagayan ng lipunan sa albanya ?

Sagot :

paano sila inalalayan ng “kamay ni Jehova.”—Gawa 11:21. Sa loob ng daan-daang taon, ang Albania ay pinag-agawan ng mga banyaga. Dinala ng mga ito ang kani-kanilang relihiyon. Kaya sa pagsisimula ng ika-16 na siglo, iba’t iba na ang relihiyon sa Albania—may Muslim, Ortodokso, at may Katoliko. Noong mga huling taon ng ika-19 na siglo, namayagpag ang nasyonalismo sa Albania at lumitaw ang sari-saring samahang makabayan. Karamihan sa mamamayan ng Albania ay magbubukid, at isinisisi ng marami ang kanilang kahirapan sa napakatagal nang pakikialam ng mga banyaga. Taóng 1900 nang maging mainit na isyu ang awtonomiya at kasarinlan. Nagbunsod ito ng mga gera laban sa Gresya, Serbia, at Turkey. Noong 1912, naging independiyenteng bansa ang Albania. Nang maglaon, halos ipatigil ng gobyerno ang lahat ng relihiyosong gawain. At pagkaraan ng Digmaang Pandaigdig II, tuluyang ipinagbawal ng Komunistang gobyerno ang lahat ng relihiyon at idineklara nito ang Albania bilang kauna-unahang ateistang estado sa daigdig.