bakit naging kakaiba ang homo sapiens sa mga naunang tao sa kanila

Sagot :

Ang mga Homo sapiens ay sinasabing nabubuhay noong nakalipas na 250,000 taon na at batay sa mga nahukay na mga labi magkapareho ang bungo ng mga Homo Sapiens sa bungo ng mga modernong tao ngayon. Ibig sabihin mas malaki ang pagkakahawig ng pisikal na anyo ng mga Homo sapiens sa kasalukuyang anyo ng mga tao kompara sa iba pang uri ng tao noong unang panahon. Nakita ring mas maayos ang mga kagamitan ng mga Homo Sapiens noon na may tamang lapad na ng tagiliran hindi katulad ng mga naunang tao sa sa kanila at gumagamit na ng mga sibat bilang sandata.