tuntunin ng isang huwarang kabataang pandaigdig

Sagot :

Ang huwarang kabataang pandaigdig ay hindi kailangang matikas ni gwapo o talentado.  Ang higit na kailangan niya ay ang mga katangiang magbibigay kahulugan sa kaniyang pagkatao.  At ito ang magiging tuntunin niya sa buhay.  

Una, dapat ipakita niya ang tunay na pag-ibig – pag-ibig sa kapwa.  Naisasagawa ito hindi lang sa salita kundi lalo higit sa gawa.  Sa katunayan, ang lahat ng iba pang katangian ng isang tao ay sinasaklaw ng pag-ibig.  At para magawa ang tunay na pag-ibig sa kapwa, dapat ay magkaroon muna siya ng pag-ibig sa Diyos.
 

Ikalawa, ang kabaitan at kabutihan ay dapat na makita sa kanya kahit sa mga animoy maliliit at hindi napapansing gawa ng kabaitan at kabutihan.  

At ikatlo, kahit anong taglay na ng isang kabataang huwaran, dapat itong makita hanggang sa pag-usad ng panahon.  Magagawa lang niya ito kung isasaisip niya ang isapang katangiang kaibig-ibig, ang kapakumbabaan.