Saang lugar o bansa matatagpuan ang Caspian sea, Lake Baikal, Huang ho, Fertile crescent,  Banaue rice terraces, Khyber pass, Mount Everest , Borneo rainforest. Pleas answer less than 10 minutes thank you..


Sagot :

Mga Lugar at Lokasyon

Ang Caspian Sea ay ang pinakamalaking lawa sa daigdig na sumusukat sa 394,299 km2. Ang Caspian Sea ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang kontinente: ang Europa at Asya. Ang nakapalibot na mga bansa dito ay ang mga sumusunod:

  • Kazakhstan sa Hilagang-silangan
  • Russia sa hilagang kanluran
  • Azerbaijan sa Kanluran
  • Iran sa Timog
  • Turkmenistan sa Timog silangan

Basahin ang ilang deskripsiyon ng Caspian Sea sa https://brainly.ph/question/126288.

Ang Lake Baikal ay matatagpuan sa timog na bahagi na napakalawak na  Rusya sa rehiyon ng Siberia, sa pagitan ng Irkutsk Oblast sa hilagang-kanluran at Republika ng Buryat sa timog-silangan.

Ang Ilog Huang Ho o Yellow River ay ang pangatlong pinakamahabang ilog sa Asya. Nagmumula sa Bulubunduking Bayan Har sa lalawigan ng Qinghaisa kanluran sa bansa ng  Tsina, dumadaloy ito sa siyam na lalawigan ng Tsina at nagtatapos sa Dagat Bohai.

Malawakang umuugma ang rehiyon ng Fertile Crescent sa:

  1. Irak
  2. Sirya
  3. Libano
  4. Israel
  5. Kuwait
  6. Jordan
  7. timog-silanganing Turkiya
  8. kanluran at timog-kanlurang Iran

Ang Hagdan-Hagdang Palayan ng Banawe o Banaue Rice Terraces ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang ng mga taniman. Ito ay nililok ng mga kamay sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad.

Ang Khyber Pass ay isang daan sa bundok na nagdudugtong sa dalawang bansa: ang Afghanistan at Pakistan. Itinayo ito sa Hilagang-silangan ng bundok ng Spin Ghar.

Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig. ito ay kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng bansa ng Nepal at bansa ng Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.

Marami pang paglalarawan sa Bundok Everest sa https://brainly.ph/question/126288.

Ang kagubatan ng Borneo ay isang napakalawak na kagubatan na sumusukat sa 427,500 km2. Ang bahagi ng kagubatan ay nasa pagitan ng Kalimantan sa Indonesya, Sarawak at Sabah ng Malaysia at Brunei.

Basahin ang ilan pang deskripsiyon ng Borneo Rainforest sa https://brainly.ph/question/122381.