Walang tuwirang ugnayan sa pagitan ng India at Pilipinas.Naniniwala ang mga historyador na anumangImpluwensya ng kulturang Indian ay dinala sa kapuluanMula sa Indonesia, Brunei, at Malaysia.Makikita ang mga impluwensyang mga Indian sa mga aspetongpanrelihiyon, panlipunan at pampulitika na paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino. Halimbawa ng mga itoay ang mga sumusunod:· Mga salitang mula sa wikangSanskrit tulad ng asawa, anak, katha, ganda, bathala,maharlika, mutya, salita, ahas, halaga, likha, basa, anito, pana, biyaya,panday, diwa at bigas;· Pagsusuot ng sarong o putong at pagagmit nga alahas;· Paggamit ng belo at kordon sa kasal at pagsaboy ng bigas sa mga ikinasal;· Mga epikong MAranao tulad ng Maharadia Lawana na hango sa kwento ng Ramayana mula sa India.· Paggamit ng mga palamuting gawa sa tingga, tanso, at lata;· Mga titulong maharlika, lakan, lakambini, hari;· Mga bulaklak, prutas, at gulay na may apangalang Sanskrit tulad ng sampaguita, champaca, malunggay, patola, ampalaya, magga, sampalok, sampalok, at langka; at· Sa sining, ang disenyong naga na mababanaag sa sarimanok ng mga Maranao.