Ano ang kahulugan ng maharlika

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang maharlika sa tagalog ay dakila (grand), makahari (kingly; regal). Sa sinaunang barangay, ito ang pinakamataas na sangay sa lipunan na binubuo ng pamilya at kamag-anak ng datu.

Sa sinaunang lipunang Pilipino kabilang sa mga Maharlika ang mga mandirigma (warrior class). Sa salitang Kastila isinalin itong Hidalghos, na nangangahulugang taong malaya (freeman; freedman). Katulad sila ng mababang uri na tinatawag sa Visayas na Timawa. May pagkakamaling ginagamit ang terminong ito sa Filipino bilang royal nobility/royal blood (mga dugong bughaw).

Nagmula ang salitang Maharlika sa Sanskrit na maharddhika, na isang titulo para sa isang mayaman, matalino, o maabilidad na tao.