bakit mahalagang pag aralan ang wika?


Sagot :

Wika

  • Ang paggamit o pag-aaral ng wika ay naging bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay. Ito ay ginagamit natin upang makipag-usap at makipag komunikasyon sa iba’t-ibang mga tao na ating nakakasalamuha. Ayon sa pag-aaral ay tinatayang mayroong anim na libo hanggang pitong libo ang mayroon sa daigdig depende sa pagpapakahulugan ng wika.
  • Ang mga siyentipikong tao naman responsible sa pag-aaral ng wika ay tinatawag na mga lingguwistika. Ang salitang lengguwahe ay nagmula sa salitang Latin na lingua na mayroong ibig sabihin na ‘dila’. Ito ay dahil isa ang dila sa ating ginagamit upang makabuo ng maraming kombinasyon ng tunog at salita. Anumang uri ng ekpresyon o paghahatid ng damdamin o impormasyon, may tunog man ito o wala ay matatawag natin na wika.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Wika

  • Nagkakaroon ng maayos na pakikipag talastasan sa iba.
  • Naisasalaysay ng maayos ang nais iparating na impormasyon o maging ang damdamin.
  • Mas higit na napapahalagahan ang wikang taglay.
  • Natututuan ang iba’t-ibang uri pa ng mga wika.
  • Nakikita ang taglay na yaman ng bawat wika.
  • Natututo tayo na magkaroon ng respeto hindi lamang sa wika ng iba kundi maging sa kultura nila.
  • Mas nauunawaan ang mga bagay na maaaring hindi nauunawaan noon.
  • Lumalawak ang ating kaalaman  ukol sa maraming bagay.

Dalawang Kategorya na Ginagamit sa Wika

  1. Pormal
    Karaniwang pamantayan o uri ng pakikipagusap na katanggap-tanggap sa higit na nakararami. Ito ay mas kinikilalang gamitin lalo na ng mga taong nakapag-aral ng wika. Ito ang gamit sa mga usapang pormal tulad ng usapang pakikipagnegosyo, usapang pakikipagkasundo, usapang legal at maraming pang iba.
  2. Di-Pormal o Impormal
    Ito naman ang madalas na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao lalo na kung ang taong iyon ay kalapit at mayroong lalim na relasyon. Ginagamit ito sa mga di pormal na usapan katulad ng pakikipagbiruan o pakikisama sa grupo ng mga kaibigan.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Kahulugan ng Wika:

brainly.ph/question/398553

#SPJ2