Sagot :
Ang emansipasyon ayon kay Estella Zeehandelaar ay may kahulugan na isang naiibang kabuluhan at may kahulugan na hindi maaabot ng kanyang pang-unawa.
Ang emansipasyon ay isang pangyayaring kinasasabikan at inaasam-asam ng karamihan sa mga kababaihan kasama na si Estella sa India. Ito ay ang pagiging malaya mula sa mga nakasanayang mga batas o mga sinaunang mga batas, kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga katutubo na nakatali sa mga kababaihan sa India. Hangarin nito ang kalayaan at pagsasarili o makatayong mag-isa.
Mensahe ng sanaysay na “Kay Estella Zeehandelaar”
- Hindi dapat matakot sa pagbabago.
- Ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mensahe ng sanaysay na “Kay Estella Zeehandelaar”, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/725359
Gintong aral sa “Kay Estella Zeehandelaar”
- Marapat na pantay ang babae sa lalaki.
- Kailangan lang na bigyan ng pagkakataon ang mga babae na maipakita ang kanilang kakayahan.
- Ang mga babae ay hindi pangbahay lamang, marami rin ang maaaring gawin ng mga babae.
- Hindi dapat gawing basehan ang kasarian sa pagkakaroon ng karapatan at kalayaan.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa gintong aral sa “Kay Estella Zeehandelaar”, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/786061
Sinaunang pamumuhay ni Estella
Ang sinaunang pamumuhay ni Estella ay nakatali sa kanilang mga batas, kaugalian, tradisyon, kultura, at kumbensyon ng sariling bayan.
Si Estella ay maraming gustong gawin para sa kanyang sarili at sa kanyang bayan. Ngunit hindi maaari dahil sa mga lumang tradisyon, batas, at kanyang mga magulang. Si Estella at ang iba pa niyang kapatid na babae ay bahagyang nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral di tulad ng kanilang mga kapatid na lalaki na nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa magagandang institusyon. Dahil sa kahigpitan ng kanilang lumang tradisyon at kumbensyon kaya sila ay bahagyang nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral.
Si Estella ay hindi pinapayagan pumunta kung saan maliban sa paaralan. Nang siya’y naging labindalawang taong gulang ay ikinulong siya at pinagbawalan na makipag-ugnayan sa mundong nasal abas ng bahay. Siya ay makakalabas lamang kung makapili na ang kanyang mga magulang ng kanyang mapapangasawa. Mapapangasawang estranghero na ipinagkasundo sa kanya ng hindi niya alam. Apat na taon siya nakulong.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa sinaunang pamumuhay ni Estella, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1645763