halimbawa ng patimbang
halimbawa ng pasusuy


Sagot :

Sa balangkas na patimbang, nahahati ang saknong sa dalawang timbang na pangkat ng taludtod na maaaring magkaayon o magkasalungat. Madalas, ang dalawang pangkat na ito ay may pagkakahawig sa paglalatag ng diwa.
Halimbawa:

Nang walang biring ginto,
Doon nagpapalalo;
Nang magkaginto-ginto,
Doon na nga sumuko.

Samantala, sa pasuysoy naman, ay nagpapakita na ang mga nauunang taludtod tumutulong lamang upang isulong ang pahayag patungo sa huling linya. Kadalasan, sa panghuling taludtod lamang magiging lubos na malinaw ang diwa ng tula.

Halimbawa:
Isda akong gagasapsap,
Gagataliptip kalapad;
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyo’y apahap.