kahulugan ng pinatitikan

Sagot :

Ang pinatitikan ay mababasa at ginagamit sa kuwento tungkol kina Tungkung Langit at Alunsina. Ang ibig sabihin ng pinatitikan ay ang pinasundan ng palihim o pinasubaybayan ng palihim na naglalayong malaman kung saan ang destinasyon at ano ang pakay nito sa lugar na iyon. Sa kuwento nina Alunsina at Tungkung Langit ay pinatitikan ni Alunsina ang kanyang asawa dahil parati na lang itong umalis at lumilikha ng kung anu-ano ngunit siya ay laging naiiwan sa bahay na walang magawa. Gustong malaman ni Alunsina kung ano ang pinagkakaabalahan ng asawa para mas gugustuhin nitong laging umaalis.