Answer:
Tuwing buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Nutrition Month. Kabilang sa mga aktibidad ay ang taunang slogan making contest kung saan nilalabas ng mga estudyante ang kanilang galing at pagkamalikhain sa pagpapadala ng mensahe para sa buwan ng nutrisyon. Narito ang ilang kasabihan tungkol sa Nutrisyon at Ehersisyo.
Explanation:
Tungkol sa Nutrisyon
- Prutas at gulay itanim at laging kainin, upang katawa'y maging malusog at hindi sakitin.
- Mga prutas at gulay na bigay ng Panginoon; Ingatan at Pagyamanin Para Maraming Aanihin at Walang Sakitin
- Masustansiyang pagkain laging kainin; Para ang katawa'y hindi sakitin.
- Kung problema ang gutom at malnutrisyon, nariyan ang prutas at gulay na talagang maaksyon
Tungkol sa Ehersisyo
- Lakas ng katawa'y panatilihin, pagkaing sapat ang kainin.
- Healthy living ay umpisahan, Upang kamatayan ay malabanan.
- Tamang Pag-ehersisyo sa Modernong Panahon...Paraan Upang Magkaroon ng Malusog na Pangangatawan.
- Aktibo at magandang katawan ang ating makakamtan, kung tayo ay kakain ng wasto at pag-eehersisyo araw-araw.
- Mag ehersisyo tayo at gumalaw upang magkaroon tayo ng lakas sa pang araw araw.