1. Ito ay isang sangay ng agham panlipunan na natutungkol sa pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang magamit sa pagbuo ng mga bagay at serbisyong makatutugon sa paparaming hilig ng tao. milez Sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa proseso at paraan ng paggawa ng desisyon pang-ekonomiko ng mga indibidwal o grupo ng indibidwal sa isang lipunan. 5 3. Sangay ng ekonomiks na sumusuri at nag-aaral sa kabuoang epekto ng mga desisyong pang-indibidwal sa ekonomiya. 4. Ito ay tumutukoy sa isang grupo o samahan ng mga taong pinagsama ng magkakatulad na paniniwala, simulain, lahi, karanasan, mithiin, at naglalayong mapaunlad at mapanatiling buhay ang mga bagay na nagbibigkis sa kanila. 5. Ito ay tumutukoy sa mga pinagbagong pangangailangan, pagnanais, at minimithi nating mga tao upang mabuhay at maginhawahan sa lipunang ginagalawan. 6. Isang kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman na may kakulangan upang magamit sa produksiyon ng mga produkto at serbisyong tutugon sa dumaraming mga kagustuhan ng tao. 7. Ito ay isang espesipikong kalagayan kung saan ang suplay ng isang bagay ay hindi sapat upang tugunan ang demand nito. 8. Ang ay pangunahing katangian ng mga yaman dahil marami itong mapaggagamitan sa harap ng limitadong dami.