masistemang balangkas at kahulugan nito

Sagot :

Answer:

Wika

Ang wika ay masistemang balangkas. Ang bawat wika ay may tuntunin o sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang pagbubuo ng pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may sistema ng tama o angkop na pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap. Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao.

Sa bawat bahagi nito, tulad ng simuno at panaguri sa wikang Filipino kapag ang simuno ay nauuna bago ang panaguri sa pagbubuo ng pangungusap ito ay nasa sistema na ang ayos ng pangungusap ay di - karaniwan. Samantala kung ang nauuna naman ay ang panaguri bago ang simuno ang naging sistema ng pagbabalangkas ng pangungusap ay nasa karaniwang ayos. Isa lamang yan sa sistema ng pagbabalangkas sa isang wika.

Mga Halimbawa:

a. karaniwang ayos

Magsikap tayo upang guminhawa ang ating buhay.

Dumating ang mga magulang ni Ellen mula sa ibang bansa.

b. di - karaniwang ayos

Ang mag - anak ay nagsisimba tuwing Linggo.

Ang binabasa ni Alan ay panay tungkol sa mga sasakyan.

Explanation: