Answer:
Ito ay may tatlong uri:
Talumpating Walang Paghahanda
Talumpating Pabasa
Talumpating Pasaulo
Samantala, ang mga katangian naman nito ay mahalagang pag-aralan upang mas lalong maintindihan ang sining na ito. Heto ang mga halimbawa ng katangian nito:
Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig .
Ito rin ay nagpapahayag ng isang kaisipan sa paraang maanyo.
Ang talumpati ay isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig .
Ang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa.
Bukod rito, ang mga talumpati rin ay may iba’t-ibang mga layunin depende sa kagustuhan ng tagasalita. Ang isang talumpati ay maaaring maging:
Talumpati ng Pagpapakilala
Talumpati na Nanghihikayat
Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala
Talumpati ng Pagsalubong
Talumpati ng Pamamaalam
Explanation: