mahalaga bang pag aralan ng sangkatuhan ang ekonomiks? ipaliwanag​

Sagot :

Answer:

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag- aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.