Sagot :
Answer:
Sa kabila ng mga pagtatangkang ito, marami pa ring balakid sa pagiging opisyal na wika ang Filipino. Una rito, ayon kay Santiago, ang kahirapang isalin ang mga opisyal na terminolohiya na kadalasang ginagamit sa pamamalakad, pangangasiwa, at sa usaping batas.
"Kapansin-pansin na wikang Ingles pa rin ang siyang pangunahing wikang ginagamit ng lehislatura at hudikatura," aniya.
Dagdag niya, mas magiging "inclusive" lang ang pamahalaan kung naiintindihan na ng ordinaryong tao ang mga batas ng bansa.
Kaya para kay Santiago, babalik at babalik pa rin ang usapin sa sektor ng edukasyon, lalo na sa kolehiyo, kung saan mas madalas pa ring naipapasa ang karunungan at kaalaman sa pamamagitan ng wikang Ingles.
Hinikayat niya ang mga guro at iba pang nasa sektor ng edukasyon na ipalaganap ang Filipino bilang wika ng pananaliksik at diskurso. (BASAHIN: Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino)
"Ang wikang opisyal ay nakatali sa wikang ginagamit sa pagtuturo. Paano nga ba aasahang makipagtalastasan sa wikang Filipino kung 12 taong sinanay sa pag-aaral gamit ang wikang Ingles?"
Inudyok din ni Santiago ang susunod na pangulong ipagpatuloy ang nasimulan na ni Aquino pagdating sa wikang Filipino, at magsabatas pa ng mga polisiya upang lalong umunlad ang wikang ito.