Sagot :
Answer:
Dahil ang filipino ay ebang edukasyon sa English at sa aralpan
Answer:
Mga Isyung Kinakaharap ng Pilipinas Tungkol sa Edukasyon
Sa tuwing magbubukas ang klase, ang laging nagsusumigaw na isyu ay ang lumulubhang kamangmangan ng maraming Pilipino. Ano kaya ang dahilan?
Sabi ng iba, mababa ang kalidad ng edukasyon dahil mababa ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong pamahalaan. Kesyo hindi maasikaso ng mga guro ang pagtuturo dahil nakatutok sa pagtitinda ng tusino sa klase bilang sideline.
Tinaasan at patuloy pang tumataas ang sahod ng mga guro. Katunayan, mas mataas na ang suweldo ng mga guro sa public schools kaysa kanilang mga private counterparts. Naririyan pa rin ang problema sa lumulubhang kamangmangan.Ang isa pang sinasabing dahilan ay ang overcrowded na mga paaralan na dito’y nagsisiksikan sa isang maliit na kuwarto ang mga mang-aaral kaya hindi natuturuang mabuti. Maganda ang approach ng gobyerno sa problemang ito. Inililipat ang ibang mag-aaral sa mga pribadong paaralan at gobyerno ang sumasagot sa matrikula. Bukod pa riyan ang paglalaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng ma-laking budget para sa pagtatayo ng mga paaralan. Ngunit hirap pa ring makaagapay ito sa patuloy na pagdami ng tao lalu na yung mga nagsisipag-aral.
Pero para sa akin, ang pinakamatinding dahilan kung bakit dumarami ang mangmang na Pilipino ay hindi na maabot ng mga mamamayan ang napakataas na halaga ng matrikula sa mga paaralan lalu na sa kolehiyo.
Kagaya ngayon. Pinahintulutan na naman ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtataas ng matrikula ng may 313 na paaralan. Halos taun-taon na lang ay pinapayagang magtaas ng singil ang mga paaralang ito.
Nakakaawa ang mga Pilipino na mapagkakaitan ng pribilehiyong makapag-aral. Paano kung dumating ang panahon na maubos na ang mga edukadong Pilipino, sino ang mga mamumuno sa ating pamahalaan?
Kung sa ngayon pa lang ay namumroblema na tayo sa matinong leader, paano pa kaya kung dumating ang panahon na iyon?