paano mabibigyang kapangyarihan Ang panitik​

Sagot :

Answer:

Kahalagahan ng Panitikan:

1. Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi ang yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.

2. Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na sandigan ng kabuuan ng ating kultura.

3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisaayos at maituwid.

4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at pagpapaunlad nito.

5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit sa panitikan.

Tulad ng nabanggit, sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba. Gamit ang kanilang talino at angking kakayahan, nakalikha sila ng mga sulating na sumasalamin sa mga matandang kaugalian at tradisyon na siyang bumubuo sa ating kultura. Nasukat din ng mga Pilipino ang kanilang kalakasan at kahinaan sa pagsulat at paglikha kaya naman mas naging madali para sa kanila na bumuo at luminang ng mga teksto. Maraming manunulat na Pilipino ang natuklasan ang kakayahan at nabigyan ng pagkilala para sa kanilang mga akda na kinapulutan ng aral at nagmulat sa mga kapwa nila Pilipino sa kagandahan ng bansa at pagpapahalaga dito.

Higit sa lahat, nagkaroon sila ng pagkakataon na maipadama ang kanilang umaapaw na pagmamahal sa bansang Pilipinas sapagkat taas noo nilang ipinagmamalaki na sila ay mula sa lahing Pilipino at ang bawat panitikan na kanilang ginagawa ay sumasalamin sa mayamang kultura ng Pilipinas. Tunay na mayaman ang bansang Pilipinas hindi lamang sa mga likas na yamang taglay nito maging sa talino at kakayahang linangin ang kultura sa pamamagitan ng paggamit ng panitikan. Kaya naman mas maraming bansa ang nagiging interesado na bumisita at manirahan dito sa ating bansa.