Sagot :
Answer:
Noong unang panahon, ang Rajah ng Rawis na si Rajah Makusog at ang asawa niya na si Darawi ay may isang anak na babae ma nagngangalang Daragang Magayon. Tanyag ang kagandahan nito hindi lamang sa bayan ng Ibalon kundi sa iba’t ibang tribo. Dahil sa kagandahan nito’y samut-saring kalalakihan ang pumupunta upang hingin ang kanyang kamay. Isa sa mga manliligaw nito ay si Pagtuga. Binigyan ng regalo ni Pagtuga si Makusog upang ipakita ang pangliligaw nito. Ngunit, hindi iniibig ni Magayon si Pagtuga. Ang kaniyang puso ay pag-aari na ni Pangonoron. Dahil Iniligtas niya ang buhay ng dalaga kaya napamahal na ito sa kanya. Sila’y nagmahalan at nangakong magpapakasal. Nakaabot kay Pagtuga ang balita na ikakasal na ang dalaga. Nagalit ito at gumawa ng paraan. Isang araw, umakyat ang ama ni Magayon upang mangaso ngunit hinarangan siya ni Pagtugan upang gawing bihag. Sinamantala ito ni Pagtuga upang maikasal kay Magayon. Sumunod ay naikasal nang tuluyan si Pagtuga at Magayon ngunit dumating kaagad si Panganoron upang kunin ang kanyang mahal. Naglaban ang dalawa at napatay ni Panganoron si Pagtuga. Sa sobrang tuwa ni Magayon ay dali-dali siyang lumapit sa kaniyang kasintahan at natamaan siya ng ligaw na sibat na naging sanhi ng kaniyang kamatayan. Sinalo niya si Magayon gamit ang kaniyang bisig ngunit namatay din dahil pinatay siya ng kanang kamay ni Pagtuga na si Linog gamit ang sibat . Pinatay ni Rajah Makusog si Linog nang makita niya ito. Nalungkot ang lahat ngunit laking gulat nila nang sa pagdaan ng panahon ay may tumubong bulkan na napakaperpekto ng hugis. Sa huli ay tinawag nila itong Mayon, hango sa pangalan ni Magayon.
- Sana po nakatulong! :D