Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Pilipinas noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Gomez,Burgos, at Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay sapagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon samga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomalya sapamahalaan. Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin.[1] Sina Jose Rizal,Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--Juan at Antonio--ang ilan sa mga kasapi dito. Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na binuo noong Disyembre 13, 1888. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sakolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid namga pintuan. Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil nakaranas sila ng gutom sa Espanya, hindi sila pinakinggan ng mga prayle, hindipagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang tugunan.