Sagot :
Answer:
Paraan kung paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya
Makikilala ang isang akda na mitolohiya kung ang tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral. Makikilala rin ito kung ang akda ay nagtataglay ng mga elemento nito tulad ng;
1. Tauhan
mga diyos o diyosa
mga taong may taglay na kapangyarihan
makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan
2. Banghay
Pagsunod-sunod sa kaganapan at pangyayari
Dapat masusuri ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda
Naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa Nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan
Naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento.
3. Tagpuan
Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong
May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa
Nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan
Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan