kinaroroonan Ng silangang asya?​

Sagot :

Answer:  

Kinaroroonan ng Asya (Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran)

Kinaroroonan ng Hilagang Asya

Matatagpuan ang Hilagang Asya (North Asia) sa hilagang bahagi ng Asya at halos kabahagi ng Russia (60° North at 100° East). Nasa 13,000,000 kilometro kwadrado ang sukat nito.

Sa mga bansang sakop ng Hilagang Asya ay mayroong mas mahabang klima ng taglamig habang sandali lamang ang tag-init gawa na rin ng lokasyon nito. Dahil dito, hirap makapagpatubo ng iba’t ibang uri ng punong kahoy sa nasabing rehiyon.

Kinaroroonan ng Timog Asya

Makikita naman ang rehiyon ng Timog Asya sa itaas ng Indian Ocean at binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Tinatawag din ang rehiyon na Indian Subcontinent. Hindi simetriko ang hugis nito at pa-tatsulok o triangle.

Kabilang sa rehiyon ng Timog Asya ay ang mga bansang Bhutan, India, Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Srik Lanka, at Sri Lanka. Ang nakikitang malaking pagkakatulad ng mga bansang nasa rehiyon ng Timog Asya ay ang pagkakaroon ng relihiyon ng Buddhism, Sikhism, at Jainism.

Kinaroroonan ng Silangang Asya

Ang East Asia naman ay makikita sa ilalim na bahagi ng bansang Russia (38.7946° North, 106.5348° East). Mayroong siyam na bansa ang makikita sa rehiyon na mayroong kabuuang sakop na 11,800,000 kilometro kwadrado.

Kasama sa Silangang Asya ang mga bansang magkakadikit na Mongolia, China, South Korea, North Korea, Hong Kong, Macau, habang nakahiwalay naman ang mga bansang Japan at Taiwan na nasa itaas na bahagi ng Pilipinas na bahagi naman ng Timog Silangang Asya.

Kinaroroonan ng Kanlurang Asya

Nasa itaas na bahagi nito ang Hilagang Asya at ilang bahagi ng Russia at Europe, nasa kaliwang bahagi naman ang kontinente ng Africa, at nasa gawing kanan ang bansang India. 32.8000° north and 35.6000° east.

Kabilang sa bansang nasa Kanlurang Asya ang Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza Strip, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, UAE, at Yemen.

Kinaroroonan ng Timog Silangang Asya

Pinakakalat-kalat naman ang lokasyon ng Timog Silangang Asya. Iilang bansa lamang ang magkakadikit dito. Nasa ibabang bahagi ng Taiwan ang rehiyong ito habang nasa kanan naman Pacific Ocean at nasa kaliwa ang Indian Ocean, at nasa ibabang bahagi ang Australia.

Kasama rito ang mga bansang Brunei, Cambodia, Timor Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Viet Nam.

Explanation: