ang umaga ay lalong nagniningning kung ang sinusundan ay gabing madilim

Sagot :

Answer:

Marami ang pwedeng maging kahulugan ng kasabihang ito:

  • Ang buhay ay mas magiging masaya pagkatapos ng malulungkot na mga karanasan.

Paliwanag:

Ika nga, ang buhay ay parang isang gulong, kung minsan ay malungkot, minsan naman ay masaya. HIndi sa lahat ng panahon ay may pagdurusa.

  • May nakalaang solusyon sa lahat ng matitinding problema.

Paliwanag:

Gaano man kabigat ang mga problemang pinagdaraanan natin, siguradong may nakalaang solusyon para dito sapagkat walang ibinibigay na problema ang Panginoon sa atin na hindi natin makakayang solusyonan.

  • Ang iyong mga pangarap ay iyong makakamtan kung ito ay pagsisikapan mong abutin.

Paliwanag:

Walang madaling paraan sa pag-abot ng pangarap. Lahat ng ito ay kailangang bigyan ng oras, panahon, sakripisyo at hirap. Kahit gaano pa man kabigat ang mga nakasalubong nating paghihirap hindi naman nito matutumbasan ang tamis ng tagumpay na ating matatamasa.