ano-ano ang partisipasyon ng mga kababaihan sa himagsikang pilipino

Sagot :

Answer:

Mga Kababaihan sa Panahon ng Rebolusyon

Hindi man pinagkalooban ng pisikal na kalakasan ang mga kababaihan na tulad ng sa mga lalake, subalit ang ilan sa mga kababaihan noong panahon ng rebolusyon ay malaki ang ginampanan upang makatulong upang makamit ng Pilipinas ang inaasam na kalayaan. Ang paglahok ng ilang mga kababaihan sa rebolusyon ay aksidente lamang o hindi kasama sa kanilang plano, ito ay ayon sa kasaysayan. Ang ilan sa mga tungkulin ng mga kababaihan noong rebolusyon ay ang mga sumusunod:

Ang ilan ay nagsanay sa paghawak ng armas panlaban at natutong sumakay sa kabayo upang makalaban kasabay ng mga kalalakihan sa rebolusyon.

Kumikilos ang mga kababaihan ayon sa kanilang pagnanais at walang kautusang tinatanggap.

Nagkaroon ng sariling pangkat ang mga kababaihan noong panahon ng katipunan.

Nanguna sa kontra-paninitik o pagtatangkang matuklasan ng mga kalaban ang kanilang istratihiya sa labanan.

Sa tulong ng mga kababaihan, napanatiling lihim ang pangkat ng katipunan sa loob ng apat na taon.

Ang ilan sa kanila ay nagsilbing taga-subi o taga-tago ng mga mahahalagang dokumento.

Nagpakita ng katatagan sa kabila ng paglisan ng kanilang mga kabiyak upang tumakas sa digmaan.

Naging heneral ang ilan sa mga kababaihan noon, sila ay sina Gregoria Montoya at Agueda Kahabagan.

Mayroon ding mga kababaihang nagpakita ng kanilang katapangan sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akdang laban sa mga dayuhan.