Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag Kung paano ka magiging kapaki-pakinabang na mamamayang asyano at bilang isang Pilipino. Gumamit ng limang pangungusap.

Sagot :

Answer:

1. Tangkilikin ang sariling atin

-Kadalasan sa atin ngayon ay mas pinipili ang mga produktong hindi galing sa atin, nakikinig ng mga musikang di pamilyar, at nanonood ng mga pelikulang gawa ng ibang bansa.  

2. Sumali sa mga organisasyong makatutulong sa mamamayan.

-Mahalaga ito upang mapanatili ang kaayusan ng bawat isa at magkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan na makapagdudulot ng pag-unlad ng ating bansa.

3. Pagbahagi ng kaalaman sa mga kabataan.

- "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Maraming kabataan ang di nakakapag-aral ngayon sa kadahilanang maraming kapos sa pera at nakakalungkot lang isipin na ang karamihan sa kanila ay nagiging biktima ng paggamit ng droga.

4. Panatilihin ang matatag na pananampalataya sa Panginoon.

-Maraming kabataan ngayon ang lulong sa masamang bisyo, hindi lamang dahil sa wala silang pinag-aralan, kundi pati na rin sa kulang sila sa pananampalataya sa Panginoon.

5. Huwag magkalat. Itapon ang basura sa tamang paglalagyan.

-Kailangang panatilihin ang kalinisan ng ating bansa upang maiwasan ang mga kalamidad.